Monday, March 10, 2008

100.0 Mbps - Day 1 and 2

Day 1

Whew! Not bad!
Sinong magsasabing pag bakasyon ka mahirap kumuha ng internet access.
Natawa lang ako.
A day after my **nth birthday, I went out of the city and visited my hibernation place.
Nothing more. Nothing less.
Eh wala nga sa tatlong lugar na gusto kung puntahan which I mentioned in my previous post ang natupad.
The decision to fly out of the eagle's dome came after a botched dinner.
Long story. We can only blame the mobile network provider.
Sa dating daan sa kahabaan ng Edsa ang ending ko, Sunday night.
Andami pa ring tao. Mukhang di nauubusan ng tao ang lugar na 'to.
At 11 p.m. sinubukang ayusin ang settings ng "for sale" (cash basis only, bawal ang utang) kong notebook.
In less than 10 minutes ayos na sya.


Day 2

Natupad ulit ang hibernation thoughts ko.
Tulog nga ako ala-una ng madaling araw kanina hanggang alas-dose ng tanghali ngayong araw.
Simple lang naman ang morning ritual ko.
Mag jingle alas-singko ng madaling araw.
Balik sa kama. Sleep mode ulit.
Gising again mga 6.30a.m.
Sinubukan kong mamalantsa pero may naplantsa na pala.
Balik sa kama for the third time. Tulog again.
Ay teka lang, mukhang hindi na productive tong araw na `to.
So nag desisyon na ako. Sinubukan kong buksan ang notebook ko.
At correct check! 100.0 Mbps nga siya!
Mga isang oras na akong enjoying dito at parang nararamdaman ko ng may rally ng nangyayari sa tiyan ko.
Kailangan nag mag timpla ng hot choco.
Lintek, mainit na Milo lang ito eh.
Bakasyon ka na, kain, tulog , tambay lang sa kwarto, wi-fi pa!
Re-heat ka lang food mo kung ayaw mong magluto.
Or on mo lang aircon kung ayaw mong gamitin ang ceiling fan!
Astig diba? Maingay nga lang ang mga lipad ng eroplano at mga tutubi dito.
Kada oras na ata `to.
But not bad. Pakialam ko sa traffic sa tower eh 100.0 Mbps ang supply ko dito. 24/7 operation ang hatid nito.
Sya, sya, kailangan ko nang kumain ng breakfast-and-lunch sa oras ng merienda.
Tsk. Tsk. Tsk. 100.0 Mbps duh!
Teka makaplantsa na nga muna at masubukan ulit ang binombang Glorietta!



No comments: