Sunday, March 30, 2008

Sound trip

One Sunday dawn about a year ago, we traveled the highway of Bukidnon just to hear the 8 a.m. mass at the Monastery of Transfiguration.
We chose to listen to an upbeat music to keep us awake and lively and changed CD from Queen to George Michael to Swing Out Sister to Brownman Revival to Bob Marley and vise-versa.

Kala nyo lang ha. Syempre kanta rin kami.
Singing as if we are inside a karaoke bar. Eh dalawa lang kaming nag biya-biyahe. Amin ang lugar pare!
Then he said, “pag nag concert yan sa Pinas, manonood talaga ako.”

Sagot ko “talaga lang ha!.”

(Flashback) .... Can’t recall if it’s along EDSA or on our way to Cellos in Katips when we opted to change the CD.
That was years ago.
Wala lang trip lang palitan ang CD na nakasalang.
Kanta kanta lang… breakout, fooled by a smile, Am I the same girl, you on my mind.

Like most of the generation now, di nila gets ang music na yan dude.
Friends grew up enjoying Julia Fordham, Mandy Moore and Incubus, all those mentioned already performed in Manila the past two months.

Finally, after how many years of listening to their songs, from pirated CDs to MP3s, one of Britain’s famous duo will be performing next month at the Araneta Coliseum.

One of his dream concerts to watch has finally come true!
Lakas mo talaga kay Lord tsong!
Salamat rin sabi ko, para naman di mo na gagawing drums ang ulo ko pag nag mamaneho ka. Nyahahaha!

Ayan na, may Swing Out Sister Philippines Tour na!
Kaso sabi mo “Taena mahal naman ng ticket nila!”
Teka lang ha, eh almost 20 years ago na last performance nila at the PICC.

For the April 7 concert, reserved seats ranges from P2,625 to P4,935 c/o TicketNet.
Pakshet mahal nga. Isang ticket lang equivalent promo airfare na.

Sige na nga, soundtrip na ulit tayo.

... Am I the same girl you used to know
Why don't you stop
And think it over
Am I the same girl who knew your soul?
I'm the one you want
And I'm the one you need
I'm the one you love

... All the flowers would grow
From the seeds we'd sow
There's no one but you on my mind

... Fooled by a smile

You regret, won't forget what you've left behind
Lies that leave you cold insideWith a pain to hard to hide

... Don't start to ask
And now you've found a way to make it last
You've got to find a way
Say what you want to say

Here’s one for you and one for me.

Ooooooops may ticket na. Look, look, look.
Snacks na lang kulang.

Tapos sa April 10 may Duran Duran na naman.
Sound trip ulit...

...Pretty looking road I try to hold the rising flood that fill my skin
Dont ask me why Ill keep my promise Ill melt the ice
Dont save a prayer for me now, save it till the morning after....

...The reflex is an only child, he's waiting in the park
The reflex is in charge of finding treasure in the park....

Hhmmm.... meeting you with a view to a kill
Dance into the fire
When all we see is the view to a kill!

Saturday, March 22, 2008

At first I was afraid to eat a picha pie

I admit I am not a pizza freak and I really am allergic to eating more than P200 worth of meal much more a P700 worth of pizza.

Plus there's this contest between thin crust and thick crust pizza, kung asa ba gyud ang makabusog?
Asa ba gyud?

Sa kumakalam na sikmura there is no difference between eating a thick or a thin crust pizza.

Basta kay pizza sya, solo, regular, large or party size, it’s for your mouth and stomach to consume.

Then, I remember the famous 3M Pizza Pie. Sounds like adhesive tapes huh.

I think per slice costs P2.00 but that was yearssssss ago.

Can't remember the exact price per slice but I do recall their small kiosk outside Davao City High School.

A kiosk equipped with a square-sized little oven to serve the students.

They say, the 3M Pizza Pie is the first pinoy pizza since 1969. Yes, I still do enjoy their homegrown pizza. Affordable nga talaga. My last taste of this pizza was in Marikina.

Then came Papa's Pizza.

Kahinumdom pa ba mo ang ilang tindahan naa sa Ponciano?

Gosh, tigulang na gyud siguro ko. Hehehe. I believe the first Papa's Pizza store was situated along Ponciano Reyes Street fronting the U.M. Multitest.

Then there's ZED Pizza.

Mind you people, before Greenwich introduced their sari-sari square pizza, may nauna na sa kanila. Anybody who has been to ZED along Bonifacio Street can attest to this.

Pero ang makagaba na pizza sa tanan.

The Yellow Cab Pizza.

It was Jun's birthday when we feasted on this pizza. Ang presyo, whew! gamay na lang kulang isa ka sakong bugas na.

A sack of rice enough to feed a family of six for a month.

However, Joy said, we only celebrate birthday once a year. As poor as we are, ibig sabihin, we can only afford to eat expensive pizza during special occasion. Pobre! Kabus og timawa.

In short, we are not sinners after all. For 11 months, we can eat ordinary pizza anytime we like and feast on that special and expensive pizza on your birthday month.

Sabi nga ng Parokya ni Edgar "you can't expect it to be free, that's why I'm saving all my money, para mayroong pambili."

Hmmm, I can’t help but think who will celebrate next? Maybe we can try Yellow Cab's "New York's Finest" pizza. It’s just P10.00 expensive than the "Manhattan Meatlovers" sinful pizza.

The evolution of pizza. Bow!

Thursday, March 20, 2008

Lukcy Bitch - Male version

Who would not recall the crisp words of Albay Governor Joey Salceda describing her boss as the "luckiest bitch around."

From early flash reports to late news, Salceda saying those words was such a perfect music to the ears of many Filipinos.

As Pinas would have some lucky bitches around, we also have lucky assholes in town.

Presenting Item No. 1 (lucky asshole in a parking lot)

Hayup na yan. BMW sasakyan parking fee pa binarat.

Style of parking pa lang, asshole na ang dating.

This is what we call a certified free parking asshole.

Obstructingly parking his kariton in front of a properly parked red

Item No. 2 (lucky asshole in town).

Exactly 48 days ago, there was this lucky soldier who braved his way watching porn video in his neatly pampered notebook while National Security Adviser Norberto was delivering a speech during a local peace and security assembly in Tagum City.

This is what we call a lucky asshole in uniform, a full-pledged Colonel at that.

Lucky enough that it wasn't him starring in the porn video.

A truly dedicated soldier, practicing the virtue of Courage (enjoying a wifi access during a peace assembly), Integrity (watching a porno in a military uniform), Loyalty (being physically present in front of your national adviser).

So what happened to the investigation?Was the Colonel reprimanded?

Naaah, I think he still is enjoying his wifi free access inside an air-conditioned military institution.

Cherished ideals of Courage, Integrity and Loyalty watching porn.

Palag ka? Di ba sabi nga nila "pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan."

Besides, sources said, the Colonel was only enjoying a sex video courtesy of a police inspector and his girlfriend, the actor and actress in the sex video.

San ka nakakita nyan, only in the Armed Forces of the Philippines!

Di lang pang serbisyo sa bayan, pang freebies pa.

No, they are not members of the famous Gucci Gang, maybe just plain and
simple tigang.

Ahhhh let's hear it from The Doors....

"You know that it would be untrue
You know that I would be a liar
If I was to say to you Girl,
we couldn't get much higher
Come on baby, light my fire
Try to set the night on fire...."

Monday, March 10, 2008

100.0 Mbps - Day 1 and 2

Day 1

Whew! Not bad!
Sinong magsasabing pag bakasyon ka mahirap kumuha ng internet access.
Natawa lang ako.
A day after my **nth birthday, I went out of the city and visited my hibernation place.
Nothing more. Nothing less.
Eh wala nga sa tatlong lugar na gusto kung puntahan which I mentioned in my previous post ang natupad.
The decision to fly out of the eagle's dome came after a botched dinner.
Long story. We can only blame the mobile network provider.
Sa dating daan sa kahabaan ng Edsa ang ending ko, Sunday night.
Andami pa ring tao. Mukhang di nauubusan ng tao ang lugar na 'to.
At 11 p.m. sinubukang ayusin ang settings ng "for sale" (cash basis only, bawal ang utang) kong notebook.
In less than 10 minutes ayos na sya.

Day 2

Natupad ulit ang hibernation thoughts ko.
Tulog nga ako ala-una ng madaling araw kanina hanggang alas-dose ng tanghali ngayong araw.
Simple lang naman ang morning ritual ko.
Mag jingle alas-singko ng madaling araw.
Balik sa kama. Sleep mode ulit.
Gising again mga 6.30a.m.
Sinubukan kong mamalantsa pero may naplantsa na pala.
Balik sa kama for the third time. Tulog again.
Ay teka lang, mukhang hindi na productive tong araw na `to.
So nag desisyon na ako. Sinubukan kong buksan ang notebook ko.
At correct check! 100.0 Mbps nga siya!
Mga isang oras na akong enjoying dito at parang nararamdaman ko ng may rally ng nangyayari sa tiyan ko.
Kailangan nag mag timpla ng hot choco.
Lintek, mainit na Milo lang ito eh.
Bakasyon ka na, kain, tulog , tambay lang sa kwarto, wi-fi pa!
Re-heat ka lang food mo kung ayaw mong magluto.
Or on mo lang aircon kung ayaw mong gamitin ang ceiling fan!
Astig diba? Maingay nga lang ang mga lipad ng eroplano at mga tutubi dito.
Kada oras na ata `to.
But not bad. Pakialam ko sa traffic sa tower eh 100.0 Mbps ang supply ko dito. 24/7 operation ang hatid nito.
Sya, sya, kailangan ko nang kumain ng breakfast-and-lunch sa oras ng merienda.
Tsk. Tsk. Tsk. 100.0 Mbps duh!
Teka makaplantsa na nga muna at masubukan ulit ang binombang Glorietta!

Wednesday, March 5, 2008

Sandosenang sapatos


Kilalang-kilala ang mga likha niyang sapatos dito sa aming bayan. Marami ang pumupunta sa amin para magpasadya. Ayon sa mga sabi-sabi, tatalunin pa raw ng mga sapatos ni Tatay ang mga sapatos na gawang-Marikina.

Matibay, pulido, at malikhain ang mga disenyo ng kanyang mga sapatos.Paano mo ba naiisip ang ganyang istilo? Kay ganda!Siguro, dinadalaw ka ng musa ng mga sapatos at suwelas?Parang may madyik ang iyong kamay!Sa lahat ng papuri, matipid na ngingiti lamang si Tatay.

Tahimik na tao si Tatay. Bihirang magsalita.

LUMAKI AKONG KAPILING ang mga sapatos na gawa ni Tatay. Madalas ay kinaiinggitan ako ng mga kalaro at kaklase ko. Buti raw at sapatero ang Tatay ko. Lagi tuloy bago ang sapatos ko kapag pasukan, kapag pasko, kapag bertdey ko, o kung nakatanggap ako ng honors sa klase.

Ginagawan pa niya ako ng ekstrang sapatos kapag may mga tira-tirang balat at tela.Buti ka pa Karina, laging bago ang sapatos mo. Ako, lagi na lang pamana ng ate ko. Sa 'kin napupunta lahat ng pinagkaliitan n'ya, himutok ng isang kaklase.

Nasa Grade II na ako nang muling magbuntis si Nanay. Kay tagal naming hinintay na magkaroon ako ng kapatid. Sabi ng Lola ko, sinagot na raw ang matagal nilang dasal na masundan ako.

Naku, magkakaroon na pala ako ng kahati sa mga sapatos! Pero di bale, dalawa na kaming igagawa ni Tatay ng sapatos ngayon.Habang nasa tiyan pa si baby, narinig kong nag-uusap sina Tatay at Nanay.

Nagpa-check up ako kanina. Sabi ng doktora, babae raw ang magiging anak natin!Talaga! Kung babae nga, pag-aralin natin ng ballet. Gusto kong magkaanak ngballet dancer! Ngayon pa lang ay pag-aaralan ko nang gumawa ng mga sapatos na pang-ballet.

PERO HINDI LAHAT ng pangarap ni Tatay ay natupad. Nagulat kaming lahat nangmakita ang bago kong kapatid. Wala itong paa. Ipinanganak na putol ang dalawang paa!Nakarinig kami ng kung ano-anong tsismis dahil sa kapansanan ng kapatid ko.

Siguro raw ay binalak na ipalaglag ni Nanay ang kapatid ko kaya kulang-kulang ang parte ng katawan. Nilusaw raw ng mga mapinsalang gamot ang kanyang mga paa. Isinumpa raw ng mga diwata ng sapatos si Tatay dahil mahal na itong sumingil sa mga pasadyang sapatos. O baka raw ipinaglihi si Susie sa manika.

Nanay, bakit po ba walang paa si Susie?Nagkaroon kasi ako ng impeksyon anak. Nahawa ako ng German measles habang ipinagbubuntis ko pa lang ang kapatid mo. At iyon ang naging epekto, malungkot na kuwento ni Nanay.

Hindi na magiging ballet dancer ang kapatid ko. Malulungkot si Tatay. Araw-araw, ganun ang naiisip ko kapag nakikita ko ang mga paa ni Susie. Kaya pinilit ko si Nanay na muling pag-aralin ako sa isang ballet school (dati kasi, ayaw kong mag-ballet).

Pero...Misis, bakit hindi n'yo po subukang i-enrol si Karina sa piano, o sa painting, o sa banduria class? Hindi yata talagang para sa kanya ang pagsasayaw, sabi ng titser ko sa Nanay ko.Nalungkot ako. Hindi para sa aking sarili, kundi para kina Tatay at Susie, at sa mga pangarap na masyadong mailap.

SAKSI AKO KUNG paanong minahal siya nina Tatay at Nanay. Walang puwedeng manloko kay Bunso. Minsan, habang kami ay nagpipiknik sa parke, may isang mama na nakakita kay Susie.
Tingnan n'yo o, puwedeng pang-karnabal yung bata! turo nito kay Susie.

Biglang namula si Tatay sa narinig. Tumikom ang mga kamao. Noon ko lang nakitang nagsalubong ang mga kilay ni Tatay. Muntik na niyang suntukin ito.Ano'ng problema mo, ha?Mabuti't napigilan siya ni Nanay.Isang gabi, habang nakahiga kami sa kama, narinig kong kinakausap ni Tatay si Susie.

Anak, hindi baleng kulang ang mga paa mo. Mas mahalaga sa amin ng Nanay mo na lumaki kang mabuting tao at buo ang tiwala sa sarili. Masuyo niya itong hinalikan.Hindi tumigil si Tatay sa paglikha ng sapatos para sa akin. Pero napansin ko, kapag sinusukatan niya ang paa ko, napapabuntung-hininga siya. Pagkatapos ay titingin sa kuna.

Sayang, Bunso, di mo mararanasang isuot ang magagarang sapatos na gawa ni Tatay bulong ko sa kanya.

LUMAKI KAMI NI Susie na malapit ang loob sa isa't isa. Hindi naging hadlangang kawalan niya ng paa para makapaglaro kami. Marami namang laro na di nangangailangan ng paa. Lagi nga niya akong tinatalo sa sungka, jackstone, scrabble, at pitik-bulag. Ako ang tagapagtanggol niya kapag may nanghaharotsa kanya. Ako ang tagatulak ng wheelchair niya. Ako ang ate na alalay!Noon ko natuklasan na marami kaming pagkakatulad.

Parehong magaling ang aming kamay kaysa aming mga paa. Ako, sa pagpipinta. Siya, sa pagsusulat ngmga kuwento. At oo nga pala, si Tatay, kamay rin ang magaling sa kanya!

MINSAN, GINISING AKO ni Susie. Sabi niya, nanaginip siya ng isang pambihirang sapatos. Napakaganda raw nito sa kanyang mga paa.

May paa siya sa panaginip? gulat na tanong ko sa sarili.Maniwala ka, Ate, kay ganda ng sapatos sa panaginip ko. Kulay dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap!

Magbebertdey siya noon. At napansin ko, tuwing nalalapit na ang kanyang kaarawan, nananaginip siya ng mga sapatos.Ate, nanaginip na naman ako ng sapatos. Kulay pula ito na velvet at may malaking buckle sa tagiliran.

Binanggit din niya sa akin ang sapatos na kulay asul na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri niya. Ang sapatos na puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Ang sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin. Ang sandalyas na parang lambat. Ang kulay lilang sapatos na maynakadikit na bilog na kristal sa harap.

Manghang-mangha ako sa kung paanong natatandaan niya maski ang pinakamaliliit na detalye ng mga sapatos - ang disenyong bulaklak, ribbon, butones, sequins, beads, o buckle. Inaangkin niya ang mga sapatos na 'yon.Ate, paglaki ko, susulat ako ng mga kuwento tungkol sa mga sapatos na napapanaginipan ko. Ikaw ang magdodrowing, ha??

PAGLIPAS PA NANG ilang taon, namahinga na si Tatay sa paglikha ng mga sapatos. Gumagawa na lamang siya ng sapatos para sa mga suking di matanggihan. Noong nagdaos siya ng kaarawan, niregaluhan ko siya ng isa kong painting na may nakapintang isang pares ng maugat na kamay na lumilikha ng sapatos. Binigyan naman siya ni Susie ng isang music box na may sumasayaw na ballet dancer.Pinasaya n'yo ang Tatay n'yo, sabi ni Nanay.Pagkatapos noon, naging masasakitin na siya. Labindalawang taon si Susie nang pumanaw si Tatay.

ISANG ARAW, HINDI sinasadya'y napagawi ako sa bodega. Naghahalungkat ako ng mga lumang sapatos na puwedeng ipamigay sa mga bata sa bahay-ampunan. Sa paghahalughog, nabuksan ko ang isang kahong mukhang matagal nang hindi nagagalaw. Naglalaman ito ng maliliit na kahon. Mga kahon ng sapatos na maingat na nakasalansan!Para kanino ang mga sapatos? May umorder ba na hindi nai-deliver?? tanong ko sa sarili.

Pero nang masdan ko ang mga pares ng sapatos na yon, nagulat ako. Taglay ng mga sapatos ang pinakamahuhusay na disenyo ni Tatay. Iba-iba ang sukat nito. May sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-first communion. May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na pang-dalagita.

Lalo akong nagulat nang mabasa ang kanyang dedication sa nakasabit na papel:Para sa pinakamamahal kong si Susie, Alay sa kanyang unang kaarawanInisa-isa ko ang mga kahon. Lahat ng sapatos na nandoon ay para kay Susie. Diyata't iginagawa ni Tatay si Susie ng mga sapatos?

Para kay Susie, lugod ng aking buhay Sa pagsapit niya ng ikapitong kaarawanTaon-taon, hindi pumalya si Tatay sa paglikha ng sapatos sa tuwing magdaraos ng kaarawan si Susie! Sandosenang sapatos lahat-lahat.Handog sa mahal kong bunso Sa kanyang ika-12 kaarawan.

Napaiyak ako nang makita ang mga sapatos. Hindi ko akalaing ganun pala kalalim magmahal si Tatay. Binitbit ko ang sandosenang sapatos at ipinakitako kina Nanay at Susie.

H-Hindi ko alam na may ginawa siyang sapatos para sa yo, Susie. Namuo ang luha sa mga mata ni Nanay. Inilihim niya sa akin ang mga sapatos??A-Ate, ito ang mga sapatos na napanaginipan ko. Hindi makapaniwalang sabi ni Susie habang isa-isang hinahaplos ang mga sapatos.Ha??

Noon ko lang naalala ang mga sapatos na ikinukuwento ni Susie.Dilaw na tsarol na may dekorasyong sunflower sa harap. Kulay pulang velvet na may malaking buckle sa tagiliran. Asul na sapatos na bukas ang dulo at litaw ang mga daliri. Kulay puti na may kaunting takong at may ribbon na pula. Sapatos na yari sa maong na may burdang buwan at mga bituin.

Sandalyas na parang lambat. Kulay lilang sapatos na may nakadikit na bilog na kristal sa harap.Naisip ko, tinawid kaya ng pag-ibig ni Tatay ang mga panaginip ni Susie para maipasuot sa kanya ang mga sapatos?Hindi ko tiyak.Ang tiyak ko lang, hindi perpekto ang buhay na ito. Gaya ng hindi perpekto ang pagkakalikha sa kapatid ko. Pero may mga perpektong sandali. Gaya ng mga sandaling nilikha ni Tatay ang pinakamagagarang sapatos para kay Susie.

(This story won First Prize, Maikling Kathang Pambata in the 2001 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature)