Wednesday, June 27, 2007

The smiling flip-flops

Flip-flops, sandals, a.k.a. tsinelas.

Alam ko may paborito kang tsinelas.

Nung nasira at napigtas, naiyak ka rin diba? O sige na nga, nalungkot na lang. Im sure!

Abril noon sa Walkway ng Camiguin, habang pababa na mula sa pinakadulo ng Station of the Cross nang biglang ngumiti ang tsinelas ni Goryo.
Ngumingiting naghihingalo to be exact.

How sad, sabi ko. Pero sa loob loob ko may ready ng kantang tutugma sa mood nya.

Naalala ko naikwento niya sa akin na "sale" sa isang shop nung binili niya si "Hurte" as in "Hurricane" ang pangalan ng Teva'ng tsinelas.

Antagal na rin ng pinagsamahan nilang dalawa.

Magkasama silang nilakbay ang hilaga at timog na parte ng bansa, kasama na doon ang mga magagandang bundok, ilog, lawa at dagat.

At buti pa nga silang dalawa eh nakapamasyal na rin sa Asya.

Pero isang araw nag-umpisang ngumiti si Hurte, di na nya nakayanan ang matarik at maputik na daan ng Old Vulcan ng Camiguin.

Sa una cute pa ang ngiti niya subalit sa kalaunan namaalam na rin siya.

At doon ko nakita sa mukha ni Goryo, alanganin sa mga hakbang nya pababa ng bundok dahil sa malaking ngiti ng kanyang tsinelas aside from the fact na mukhang sad din siya.
Di niya inakalang sumurender si Hurte sa Old Vulcan matapos kayanin ang tarik ng Mt. Apo.

Malungkot siya kaya eto ang kantang handog ko para sa kanya.

O kanyang tsinelas
Kasa-kasamang madalas
Ilang taon ang lumipas
Mahal ka niya!
O kanyang tsinelas
Pudpod man at gasgas
At napigtas tong luma niyang tsinelas
Kaya.. Mang Kulas, papa-rugby-han ko bukas ang kanyang tsinelas!


Eto sila, then and now.





At pagdating sa baba ng Old Vulcan. Nagpaalam si Goryo sa beloved niyang tsinelas.
Doon mismo sa araw na iyon, sa isang tindahan sa harap ng bulkan bumili sya ng tsinelas.
At sa isip ko, mag-uumpisa na ulit sya. Mag-uumpisang makipag-bonding sa bago niyang tsinelas.
Havana pangalan niya at hindi kahawig ng Havaianas.
At siguro ngumiti man sya o mapigtas, walang sasama ang loob at walang iiyak sa isa pang tsinelas.

Wednesday, June 20, 2007

Kalahi

Napag-uusapan lang rin ang mga dilang mahirap maplantsa.
Eto pa isang kalahi nila.
Nakalagay ito as warning sa tabi ng inaayos na million-peso park sa isang siyudad.
Wag nyong iparada ang kariton nyo dito. Babala po lamang.


Sunday, June 17, 2007

Coffee works



Coffee time.
Hindi ako mahilig sa kape pero isang gabi sinubukan ko.
Actually ang puntirya ko lang is to discover kung mabilis ang WiFi nila.
Ok naman. Ok din ang kape pati na ang sanz rival.







Pwede na.

It works sa Coffee Works, a wi-fi hotspot in the City of Golden Friendship, near Robinson's Mall - Limketkai Center.





Friday, June 15, 2007

Wedding flashback

My elder sister Joy joined the flock of the ``barangay may-asawa'' on Dec. 20 last year. She told me that she would allow me to write her story on two conditions: not to mention her and her partner's ages and to categorically state she is not pregnant.

Well, she's in her 30s (sorry, Sis, this goes with the article and its bloopers). My sister married her boyfriend for nine years, not with a grand parade in a cathedral but in a 15-minute civil rites in court.

The wedding did not start on time though, thanks to the judge who came an hour and 30 minutes late. Outside the judge's sala, on her door, was a colorful sticker stating, ``Laging nasa oras ako. Filipino time is on time.''

The courtroom was jam-packed with five wedding couples, six clerks of court and relatives. Joy did not want to wed in a church simply because she did not want to be a center of attraction, er, embarrassing errors.

She doesn't fancy weddings and even hates attending one. Her wedding preparation was no grand show at all, except for a last-minute shopping the night before for what to wear on W-Day: a flesh three-fourth sleeved polo to match her pants. Like any ordinary day, Joy went on with her usual routine on her wedding day.

She was present at her workplace and still brought our nephew to class. She teaches in the school where the little boy studies. ``O ano mamaya, kita na lang tayo sa opisina mo. Tapos taxi na lang tayo papunta sa court'' was all she said in the morning before leaving for school. I said okay and went back to sleep.

The rest of my family met me at the office. The people, so used to beating deadlines, were panicking for us though we managed to leave 15 minutes to 1 p.m., the supposed wedding time.

The bride and groom's relatives all went to the Hall of Justice on empty stomachs, thinking the whole entourage would have a late lunch together after the wedding. Unlike a church wedding where the groom arrives first, my sister arrived ahead of the groom.

Along the hallway, my sister and I couldn't stop laughing upon seeing one of the bridesmaids in an almost formal gown. I jokingly told her, ``Buti na lang hindi ka rin nag-gown.'' ``He! He! Excuse me, no!'' was her reply. The clerk of court began the roll call.

Each wedding applicant was guided to their seats. I went in and out of the room to check if everybody's A-okay. Then I remembered the problem. I had to cancel the pre-ordered food for us since we would not be able to make it to the restaurant at 2 p.m.

By then, I felt really hungry. And so did Kerwin, one of the groom's barkada, who couldn't wait any longer that he bought some empanadas at the court's mini-store. I provided the soft drinks even if I don't drink one, and some homemade puto. Papa, Mama, Auntie Baby, the little boy and even Joy were all hungry.

A few minutes after our ``lunch-merienda,'' the clerk of court explained some things to the couples, among them the completion of all court requirements, birth certificates, affixing their commonly used signatures after the solemnization, how much the marriage contract costs and its availability after one week.

Jun, the groom, was also really hungry. He was fuming and told my sister not to stand up but clap when the judge arrives. The much-delayed wedding was further set back after one of the couples failed to comply with the requirements. They forgot to attach the bride's certified true copy of her birth certificate. After the issue was settled, the solemnizing officer finally came out of her chambers.

My sister was the first in line, kasi nga alphabetical order pala. They were followed by an older couple who were living-in for 20 years. The judge was very happy over their decision to wed. I wanted to stop my sister and her husband-to-be from laughing and elbowing each other, but the judge, who was in front of them, outsmarted me.

She caught their attention and said, ``Mga bugoy gyud mong duha dinha hah!'' In 15 minutes, the wedding was over and off we went to the beach for the celebration attended by 14 people, including parents, relatives and friends.

Unlike other wedding aftermaths, I didn't feel any changes at all with Joy's wedding, even if it was the second in the family. Hers was without a honeymoon because the newlyweds spent the night with their barkada.

She was back home shortly before 2 a.m. ``Hay salamat! Tomorrow, back to normal na,'' she said. These days, my sister and her husband still live in their respective houses. The only new thing with her is the wedding ring she now wears. Joy still lives with us and we still share the same room.

She still sleeps in her good-for-two bed and I on the floor with my sleeping bag. We still share the same extension phone, among others. With the entry of the new millennium and another marriage in the family, I felt so blessed being single kahit hindi naging ``bridesmaid ka lang!'' It will be another blessing to walk down the aisle, not as a ``bridesmaid ka lang'' but the bride, so that by then, my elder sister can say, ``Oh well, my sister's wedding.''

Wednesday, June 13, 2007

Tisays and the likes

Nauna sya sa linya. Nakatalikod. Mahaba ang buhok, straight at hindi shinampoo lang.

Tisay sya, may dalang chips at soda kasama na ang juice na nasa tetra pak.

Tapos nahalata ko yong cashier at bagger, laging naka-smile sa kanya.
"Ay ayaw kog tawaga og ma'am uy. Pareho lang baya ta," sabi ni tisay.

Kaya naman pala, kalahi pala nila si tisay.

In short kasama sa work sa Mall kaya ayaw patawag ng "Ma'am."
Dayoff lang sya at umattend daw ng wedding.

Nung na-punch na ng cashier ang last three items na binili nya, nagsalita ulit si tisay.
Sabi nya sabay turo sa items, "Ayaw kalimot sa tugsok ani ha?"


Tugsok???
Ahhh yong straw sa tetra pak juice ang ibig sabihin ni tisay.
Haaaaaaaaay!
Amazed talaga ako sa mga tisay. Gaya nga ng lagi kung sinasabi, watch till they open their mouths.
Mamamangha kang talaga.

Noong minsang napadpad kami sa isang sikat na bar-b-q-han sa Project 4, Quezon City, isang tisay na food attendant din ang na-encounter ko dun.

Petite sya at medyo may kagandahan.
Nung nailapag na sa mesa ang order naming bar-b-q at rice, tinanong nya kami ano daw drinks namin.
Syempre di ka sigurado sa tubig, mapipilitan kang umorder ng softdrinks.
Sabi ko "Mountain dew Miss."
Sagot nya: "Ay ma'am, ubos na po."
"Anong meron kayo?" tanong ko.
"Miranda ma'am, chiri flavor" sabi nya.

Bigla ko syang natitigan ng matagal pagsambit nya nang "chiri flavor."
Isa pang haaaaaaaaaaay sa loob-loob ko.
Tapos biglang hirit naman ng kasama ko "Sige miss, isang Miranda yong chiri flavor nyo."

Nong umalis na si miss food attendant, tinukso ako ng kasama ko. Andami daw talagang bisdak sa Manila.
Haaaaaaaaaaaaaaaay!

Si tisay sa counter at si tisay na food attendant ay di naiiba.
Pero may tataob sa kanilang dalawa.

Early this year, napadpad kami sa isang Italian resto sa Mindanao.
May kamahalan ang mga order dun, pero sulit sa lasa at serving.
Sa likuran namin may dalawang babaeng nakaupo at katatapos lang ring umorder.

Mga tipong career woman at mga mukhang alta-sa-siyudad at ng a-unwind lang sa resto.
Halos magkasabay lang kami sa pag order at pag ubos ng mga inorder.
Napansin ko yong isa, matangkad, mahaba ang buhok, medyo slim, tisay din sya at naka Havaianas pa.

Biglang sumenyas si tisay sa isang food attendant, yong tipong kukunin mo na ang bill.
Di sya napansin ng lalaking malapit sa counter.
Kumaway si tisay, sabay sabing, "Waiter! ... (Pause) Yong bell please!"

Ano raw? Bell? As in doorbell?
Tumingin ako sa kasama kong super hilig sa mga tisay. Sinigurado ko this time, sya naman ang nadismaya.
"Bell please" huh!
Ngayon ko syang narinig nagsalita ng nagsalita. At naala nya ulit si "chiri flavor!" Walanghiya daw sa porma si tisay sa Italian resto, pero biglang taob ang porma nya sa malambot nyang dila.

Kaya tama ang teacher namin sa public speaking noon. Sabi nya kahit anong ganda mo, kahit mala model na tisay pa kinis ng balat mo, pag ang dila mo ay walang humpay na nag pro-pronounce ng "ceroh" at "melk," hay Inday kahit saang beauty pageant ka sumali, talo ka talaga.

Walang eskwelahang pwedeng pumlantsa ng mga malalambot ang dila.
Kaya kapag may nakita kang tisay and the likes, wag kang tumawang mag-isa, kunwari hindi sila kalahi ni "tugsok," "chiri," at "bell" okay.
Distant relatives lang sila.
At sabayan mo na lang nag kanta, "Ang lahat ng bagay ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat."

Saturday, June 9, 2007

In search of pancit canton

Linggo. 3 June.

Kararating lang sa byahe.

Nagpahinga muna tapos inihanda ang alarm para sa maagang pagising kinabukasan.
Pero wala atang silbi ang alarm.
Kinuha ang cellphone. Naka snooze. Snooze set ulet, tapos natulog.
Linggo nga naman ngayon. Araw ng pahinga. Pwedeng matulog ng matulog at gumising ng tanghali.
Pero teka, tuwing nasa ibang lugar naman, kasama sa routine ang 11am mass sa XU.
Lagi itong nakalista sa itinerary.
Sya, sya, gising nga sabi eh, 9 am.
Nagluto, naligo, namalantsa. Sa madaling sabi, natapos lahat ng gawain bandang 10.30 am.
10.40 pinaandar ang sasakyan at humarurot na sa kalye, naghahabol para di mahuli sa sermon ni Padre.
10.50 pinarada na ang kariton sa tabi ng daan.
Sa simbahan, para kang binabad sa harap ng araw. Ang init poh, Diyos ko, hindi po gumagana ang mga electric fan sa tabi ng dingding nyo. Brownout pala at mukhang nagtitipid ang mga Heswita sa kuryente nila.
Eto paypay ko, ginupit na RX pad galing sa isang doktor. Kinayang magbigay ng hangin ng 1/4 na papel na ito.
Isang oras ang lumipas at tapos na rin si Padre sa misa nya.
At sa paglabas sa simbahan, nagmasid sa mga nakadikit na posters sa daan ng eskwelahan.
Isip, isip, saan kaya magandang mananghalian?
Sa dami dami ng gustong kainin ang ending eh sa Lim Ket Kai rin.Oooops teka, showing pa ba ang Pirates of the Carribean?
Showing pa nga. Walang magawa kaya bumili ng advance tickets. Showing time 3pm.
At napadpad sa gawing Greenwich pero mukhang aabutin tayo ng Edsa sa haba ng mga taong gutom na nakapila.
Umalis, naghanap ng ibang pwedeng puntahan. Pero di na kinaya ng mga nag ra-rallying alaga sa loob ng tiyan, naglakad ulit at bumalik sa Greenwich.
Umorder, nakipag-share-a-table-win-a-friend, habang hinihintay ang order.
Dumating ang order pero kulang naman ng ketsup. Ng request, inasikaso, ang milagro naman ngayon napadpad sa ibang mesa ang ni-request na ketsup.
Minamalas na ba kami? Tabi tabi po.
Teka, sige kainan na.
Isang oras naglibot sa mall, unti unting pinapatay ang oras para habulin si Jack Sparrow at ang crew nya bandang alas-tres ng hapon.
Hay naku, medyo nakakaantok ang story of his life nya. Paglabas sa sinehan, ibang idea naman ang naisipan.
Badminton!
Pumarada sa isang badminton court, nagbihis, naglaro, nagbihis ulet.
Hapunan na. Anong menu natin?
Pagod, uhaw at gutom na, first stop, Mandarin Tea Garden.
Pero wala silang canton.
Tayuan na mga kapatid, lipat sa ibang kainan. This time sa Bagong Lipunan malapit lang sa Mandarin.
Umupo, tinignan ang menu, canton order ulet pero biglang hirit ng food attendant "Ay, ubos na po ang canton namin."
Pag minamalas ka nga naman. Pero di dapat nawalan ng pag-asa, tinanong namin sya kung sa isang branch nila meron nga ba?
Baka meron naman daw, kaya hinanap ang isa pang Bagong Lipunan sa ibang kalye.
Sugod mga kapatid, umupo ulet, kinuha ang menu, at umorder.
Puno ng canton ang tindahang ito kulang nga lang sa tea, kahit anong tea pa ang gusto mo out-of-stock sila. Pero naka-display pa rin na nagbebenta sila ng tea.
Naisip ko kung doon sa isang branch nila ubos ang canton at dito ubos ang tea, tanong ko tuloy mukhang candidate na silang magsara?
Sabi ni food attendant mga 15 minutes lang daw ang order.
Nagbilang ulit ng oras, hmmmm mukhang 30 minutes na ata ala pang nailapag sa table namin.
Tapos eto nakikita mo ang katabi mong table, kumpleto na order nila. Anim sila, anim na mga gutom na sikmura.
Nakatitig lang kami sa order nila, adobong liver, chopsuey, pancit at may isda pa. Andami talaga. Tapos nauna sila?
Hello? What's wrong brother?
Doon tumayo na ako at di ko na kayang tiisin pa. Lumapit sa counter at dun ko nadiscover, ito palang si food attendant sa sobrang busy sa pagliligpit ng mga kinainan ng ibang customers, simpleng iniwan lamang ang order slip namin sa receiving area nila hanggang sa napatungan ng napatungan ng order ng iba.
Sa pagkakataong ito gusto ko nang sumigaw sa gutom! Pero tiniis ko, hinahanap ng mga mata ko ang pintuan palabas sa gusaling ito.
Sa loob nang kariton naisip ko tama ang sabi ni Dennis nung napadpad din sya rito, from Cafe Laguna to Cagay-anon Restaurant to Grand Caprice Restaurant to Gloria Maris, walang alimangong babae. Lalaki at bading lang ang nakadisplay sa aquariums nila.
Tama nga na sabihin nya na kung merong magtatanong sa kanya tungkol sa City of Golden Friendship, isa lamang pabirong sagot nya, "Ay dong! Wag ka nang pumunta malungkot dun dong!."
Tama nga ba sya?
Eh kung sa kanya alimangong babae lang hanap nya para sa aligi, malungkot na.
Ano pa kayang tawag nyo sa simpleng search of pancit canton lang.
Malungkot nga ba talaga?