Monday, November 10, 2008

Homeowner President


Matagal tagal na rin akong di nakabalik sa dating rota ng pagsakay sa public utility vehicle.
Limang buwan din akong nagmaneho ng pribadong sasakyan hanggang sa dumating ang panahong kailangan na syang ibalik sa tunay na nag mamay-ari.

Isang gabi matapos akong mag grocery, hinabol ko ang last trip ng jeep papuntang subdibisyon namin.
Papasok pa lang nakita ko na si presidente ng association namin.

Sabi ko sa sarili ko para megaphone na naman ang boses nito.

True enough pag-upo ko may kausap nga sya. Yong taong nasa harapan nya.
Isang homeowner din, tapos ang pinag-uusapan nila itong Balikatan housing issue.

Ewan ko ba bakit natiis nong babaeng pakinggan ang kayabangan nya.

Gusto ko nang bumaba eh, yong tipong puno na nang hangin ang tono ng boses nya at usapan nila.

Kaso naisip ko, last trip na to eh pag bumaba ako, taxi na ang ending ko.

Bigla sinabi ni homeowner president, ng fax daw si speaker of the house sa kanya. At kagagaling lang daw nya sa city council, at ng overtime sila para sa mga susunod na aksyon, at bukas lalabas sa lahat ng pahayagan ang kadramahan nila.

Ang galeng galeng nya talaga.

Wala akong planong makinig pa sa usapan nila, pero di ko napigilang isulat sa cellphone ko ang tanong nya sa babaeng homeowner.

Tanong nya sa babae "kanino ba yong bahay, under the name of you or under your husband?"

Genius syang talaga.

Ay naku, naniniwala talaga akong produkto ng Promil na gatas si homeowner president.

.



3 comments:

Anonymous said...

Lol...perte! Kaila jud baya ko niya nang. May nalang duly forwarned ko...Di jud nako i-interview.

bananas said...

hmmmm...so lumabas sila sa media?

bananas said...

hmmmm...so lumabas sila sa media?