Thursday, September 25, 2008

Skye... not the eagle up high

Ewan ko ba bakit ang tao pag antagal kang di nakita, andaming tanong.
Ang hilig hilig magtanong.

"Uy kamuzta ka na? Nag-asawa ka na ba? May anak ka na?"
Mga ganyang tipong drama.

Oo may anak na ako. Anim na buwan na sya at mahigit sampung-libo na nagastos ko sa kanya.

Oo, aso ang anak ko.

Binigyan ako ng aso. Baby namin `to, sa mga di pa tapos magtanong ng kung anu-ano.

Patpatin ka pa lang noong una kang pinakita sa kin.

Bitbit ka ni Mamang Gorio as advance na pamasko.

Out of stock raw ang Labrador eh kaya eto ka karang-karang niya.

Naalala ko pa, takot ka sa biyahe, tumatago ka pa nga sa ilalim na kariton.

Halos tug-of-war at hide-and-seek ang drama niyo. Pinainom ka pa ng malamig na tubig at sa

kalagitnaan ng biyahe munting ka nang himatayin.






Tapos noong iharap ka na sa akin, naihi ka sa harap ng iba.

Halatang totoy na totoy ka pa. Mukhang di makabasag pinggan sa sobrang amo ang drama.


Ilang buwan ang nakalipas at matapos nag mahabang prosesong bakuna rito, bakuna roon, purga rito, purga roon.

Unti-unting nagbago ang hitsura mo.

From todler patpatin to growing puppy. Ganito ka naman pag play-mode ang drama.






Pag tamad-mode naman ang drama mo.
Ganito ka lang. Etong tamad-mode ang gustong-gusto ng lahat ng tao sa bahay.


Hindi nauubos ang mga plastic, newspapers at tsinelas sa mga ngipin mo.







At yong original mong amo, pati ako kinukulit, ano na raw hitsura mo.

Miss ka na niya, siguro.

Kaya noong nakaraang linggo, bago kami nagbakasyon sa Loakan.

Nag pa-picture ka na naman.
Katakot ka na. Para kang guwardiya ng airport o mall.






Nagbibinata ka na nga. Puppy pa pero mukhang binata na.
At gwapo ka na raw, gwapo na katawan mo.
Plus 1,000 pogi points sigurado pagnatapos mo K-9 schooling mo.




Eto ka Skye, before naging preso sa kulungan mo.


No comments: