Wednesday, June 13, 2007

Tisays and the likes

Nauna sya sa linya. Nakatalikod. Mahaba ang buhok, straight at hindi shinampoo lang.

Tisay sya, may dalang chips at soda kasama na ang juice na nasa tetra pak.

Tapos nahalata ko yong cashier at bagger, laging naka-smile sa kanya.
"Ay ayaw kog tawaga og ma'am uy. Pareho lang baya ta," sabi ni tisay.

Kaya naman pala, kalahi pala nila si tisay.

In short kasama sa work sa Mall kaya ayaw patawag ng "Ma'am."
Dayoff lang sya at umattend daw ng wedding.

Nung na-punch na ng cashier ang last three items na binili nya, nagsalita ulit si tisay.
Sabi nya sabay turo sa items, "Ayaw kalimot sa tugsok ani ha?"


Tugsok???
Ahhh yong straw sa tetra pak juice ang ibig sabihin ni tisay.
Haaaaaaaaay!
Amazed talaga ako sa mga tisay. Gaya nga ng lagi kung sinasabi, watch till they open their mouths.
Mamamangha kang talaga.

Noong minsang napadpad kami sa isang sikat na bar-b-q-han sa Project 4, Quezon City, isang tisay na food attendant din ang na-encounter ko dun.

Petite sya at medyo may kagandahan.
Nung nailapag na sa mesa ang order naming bar-b-q at rice, tinanong nya kami ano daw drinks namin.
Syempre di ka sigurado sa tubig, mapipilitan kang umorder ng softdrinks.
Sabi ko "Mountain dew Miss."
Sagot nya: "Ay ma'am, ubos na po."
"Anong meron kayo?" tanong ko.
"Miranda ma'am, chiri flavor" sabi nya.

Bigla ko syang natitigan ng matagal pagsambit nya nang "chiri flavor."
Isa pang haaaaaaaaaaay sa loob-loob ko.
Tapos biglang hirit naman ng kasama ko "Sige miss, isang Miranda yong chiri flavor nyo."

Nong umalis na si miss food attendant, tinukso ako ng kasama ko. Andami daw talagang bisdak sa Manila.
Haaaaaaaaaaaaaaaay!

Si tisay sa counter at si tisay na food attendant ay di naiiba.
Pero may tataob sa kanilang dalawa.

Early this year, napadpad kami sa isang Italian resto sa Mindanao.
May kamahalan ang mga order dun, pero sulit sa lasa at serving.
Sa likuran namin may dalawang babaeng nakaupo at katatapos lang ring umorder.

Mga tipong career woman at mga mukhang alta-sa-siyudad at ng a-unwind lang sa resto.
Halos magkasabay lang kami sa pag order at pag ubos ng mga inorder.
Napansin ko yong isa, matangkad, mahaba ang buhok, medyo slim, tisay din sya at naka Havaianas pa.

Biglang sumenyas si tisay sa isang food attendant, yong tipong kukunin mo na ang bill.
Di sya napansin ng lalaking malapit sa counter.
Kumaway si tisay, sabay sabing, "Waiter! ... (Pause) Yong bell please!"

Ano raw? Bell? As in doorbell?
Tumingin ako sa kasama kong super hilig sa mga tisay. Sinigurado ko this time, sya naman ang nadismaya.
"Bell please" huh!
Ngayon ko syang narinig nagsalita ng nagsalita. At naala nya ulit si "chiri flavor!" Walanghiya daw sa porma si tisay sa Italian resto, pero biglang taob ang porma nya sa malambot nyang dila.

Kaya tama ang teacher namin sa public speaking noon. Sabi nya kahit anong ganda mo, kahit mala model na tisay pa kinis ng balat mo, pag ang dila mo ay walang humpay na nag pro-pronounce ng "ceroh" at "melk," hay Inday kahit saang beauty pageant ka sumali, talo ka talaga.

Walang eskwelahang pwedeng pumlantsa ng mga malalambot ang dila.
Kaya kapag may nakita kang tisay and the likes, wag kang tumawang mag-isa, kunwari hindi sila kalahi ni "tugsok," "chiri," at "bell" okay.
Distant relatives lang sila.
At sabayan mo na lang nag kanta, "Ang lahat ng bagay ay magkaugnay, magkaugnay ang lahat."

2 comments:

bananas said...

hahaha...perte gyud ning mga tisay. I remember, tisay rin yong gumawa ng eksena sa isang posh resto dito sa Davao diba? sobrang tisay she looked like a ghost. ghost din utak. ghost kasi di mo mahahawakan. Parang nandoon pero nagpaparamdam lang.

at ano ang sinabi ni tisay sa waiter?

ito: "Waiter!!! There's caterpillar in my bulalo! Gassss! I will not fee for this!"


Perfect, diba?

Unknown said...

hmmm..naa man ko badminton playmate na tisay din. hot mommy pa. okay na sa forms and appeal kaso every time magsasalita eh may twang na bisaya gyud.

sampol: uy, play ta ha balik ha? kami ni "yolit" (hewlette) partner.

haaay.nawawala talaga gwapa points niya hihihi. cutie pa naman gyud.