Saturday, June 9, 2007

In search of pancit canton

Linggo. 3 June.

Kararating lang sa byahe.

Nagpahinga muna tapos inihanda ang alarm para sa maagang pagising kinabukasan.
Pero wala atang silbi ang alarm.
Kinuha ang cellphone. Naka snooze. Snooze set ulet, tapos natulog.
Linggo nga naman ngayon. Araw ng pahinga. Pwedeng matulog ng matulog at gumising ng tanghali.
Pero teka, tuwing nasa ibang lugar naman, kasama sa routine ang 11am mass sa XU.
Lagi itong nakalista sa itinerary.
Sya, sya, gising nga sabi eh, 9 am.
Nagluto, naligo, namalantsa. Sa madaling sabi, natapos lahat ng gawain bandang 10.30 am.
10.40 pinaandar ang sasakyan at humarurot na sa kalye, naghahabol para di mahuli sa sermon ni Padre.
10.50 pinarada na ang kariton sa tabi ng daan.
Sa simbahan, para kang binabad sa harap ng araw. Ang init poh, Diyos ko, hindi po gumagana ang mga electric fan sa tabi ng dingding nyo. Brownout pala at mukhang nagtitipid ang mga Heswita sa kuryente nila.
Eto paypay ko, ginupit na RX pad galing sa isang doktor. Kinayang magbigay ng hangin ng 1/4 na papel na ito.
Isang oras ang lumipas at tapos na rin si Padre sa misa nya.
At sa paglabas sa simbahan, nagmasid sa mga nakadikit na posters sa daan ng eskwelahan.
Isip, isip, saan kaya magandang mananghalian?
Sa dami dami ng gustong kainin ang ending eh sa Lim Ket Kai rin.Oooops teka, showing pa ba ang Pirates of the Carribean?
Showing pa nga. Walang magawa kaya bumili ng advance tickets. Showing time 3pm.
At napadpad sa gawing Greenwich pero mukhang aabutin tayo ng Edsa sa haba ng mga taong gutom na nakapila.
Umalis, naghanap ng ibang pwedeng puntahan. Pero di na kinaya ng mga nag ra-rallying alaga sa loob ng tiyan, naglakad ulit at bumalik sa Greenwich.
Umorder, nakipag-share-a-table-win-a-friend, habang hinihintay ang order.
Dumating ang order pero kulang naman ng ketsup. Ng request, inasikaso, ang milagro naman ngayon napadpad sa ibang mesa ang ni-request na ketsup.
Minamalas na ba kami? Tabi tabi po.
Teka, sige kainan na.
Isang oras naglibot sa mall, unti unting pinapatay ang oras para habulin si Jack Sparrow at ang crew nya bandang alas-tres ng hapon.
Hay naku, medyo nakakaantok ang story of his life nya. Paglabas sa sinehan, ibang idea naman ang naisipan.
Badminton!
Pumarada sa isang badminton court, nagbihis, naglaro, nagbihis ulet.
Hapunan na. Anong menu natin?
Pagod, uhaw at gutom na, first stop, Mandarin Tea Garden.
Pero wala silang canton.
Tayuan na mga kapatid, lipat sa ibang kainan. This time sa Bagong Lipunan malapit lang sa Mandarin.
Umupo, tinignan ang menu, canton order ulet pero biglang hirit ng food attendant "Ay, ubos na po ang canton namin."
Pag minamalas ka nga naman. Pero di dapat nawalan ng pag-asa, tinanong namin sya kung sa isang branch nila meron nga ba?
Baka meron naman daw, kaya hinanap ang isa pang Bagong Lipunan sa ibang kalye.
Sugod mga kapatid, umupo ulet, kinuha ang menu, at umorder.
Puno ng canton ang tindahang ito kulang nga lang sa tea, kahit anong tea pa ang gusto mo out-of-stock sila. Pero naka-display pa rin na nagbebenta sila ng tea.
Naisip ko kung doon sa isang branch nila ubos ang canton at dito ubos ang tea, tanong ko tuloy mukhang candidate na silang magsara?
Sabi ni food attendant mga 15 minutes lang daw ang order.
Nagbilang ulit ng oras, hmmmm mukhang 30 minutes na ata ala pang nailapag sa table namin.
Tapos eto nakikita mo ang katabi mong table, kumpleto na order nila. Anim sila, anim na mga gutom na sikmura.
Nakatitig lang kami sa order nila, adobong liver, chopsuey, pancit at may isda pa. Andami talaga. Tapos nauna sila?
Hello? What's wrong brother?
Doon tumayo na ako at di ko na kayang tiisin pa. Lumapit sa counter at dun ko nadiscover, ito palang si food attendant sa sobrang busy sa pagliligpit ng mga kinainan ng ibang customers, simpleng iniwan lamang ang order slip namin sa receiving area nila hanggang sa napatungan ng napatungan ng order ng iba.
Sa pagkakataong ito gusto ko nang sumigaw sa gutom! Pero tiniis ko, hinahanap ng mga mata ko ang pintuan palabas sa gusaling ito.
Sa loob nang kariton naisip ko tama ang sabi ni Dennis nung napadpad din sya rito, from Cafe Laguna to Cagay-anon Restaurant to Grand Caprice Restaurant to Gloria Maris, walang alimangong babae. Lalaki at bading lang ang nakadisplay sa aquariums nila.
Tama nga na sabihin nya na kung merong magtatanong sa kanya tungkol sa City of Golden Friendship, isa lamang pabirong sagot nya, "Ay dong! Wag ka nang pumunta malungkot dun dong!."
Tama nga ba sya?
Eh kung sa kanya alimangong babae lang hanap nya para sa aligi, malungkot na.
Ano pa kayang tawag nyo sa simpleng search of pancit canton lang.
Malungkot nga ba talaga?

3 comments:

bananas said...

parang napakakomplikado naman yata ng cagayan de oro? alam ko na talagang depressing ang city na yan no pero hindi ko alam na "desperating" din pala dyan.

Girl Interrupted said...

ai day, iikli life mo sa paghahanap ng supposedly para sa pampahabang buhay na pancit canton na yan.

Unknown said...

malufet na hanapan pala pag canton ang target mo sa cagayan hehehe...buti na lang may mga last options na resto jan na medjo okay na rin sa tokwa't baboy.