Wednesday, June 27, 2007

The smiling flip-flops

Flip-flops, sandals, a.k.a. tsinelas.

Alam ko may paborito kang tsinelas.

Nung nasira at napigtas, naiyak ka rin diba? O sige na nga, nalungkot na lang. Im sure!

Abril noon sa Walkway ng Camiguin, habang pababa na mula sa pinakadulo ng Station of the Cross nang biglang ngumiti ang tsinelas ni Goryo.
Ngumingiting naghihingalo to be exact.

How sad, sabi ko. Pero sa loob loob ko may ready ng kantang tutugma sa mood nya.

Naalala ko naikwento niya sa akin na "sale" sa isang shop nung binili niya si "Hurte" as in "Hurricane" ang pangalan ng Teva'ng tsinelas.

Antagal na rin ng pinagsamahan nilang dalawa.

Magkasama silang nilakbay ang hilaga at timog na parte ng bansa, kasama na doon ang mga magagandang bundok, ilog, lawa at dagat.

At buti pa nga silang dalawa eh nakapamasyal na rin sa Asya.

Pero isang araw nag-umpisang ngumiti si Hurte, di na nya nakayanan ang matarik at maputik na daan ng Old Vulcan ng Camiguin.

Sa una cute pa ang ngiti niya subalit sa kalaunan namaalam na rin siya.

At doon ko nakita sa mukha ni Goryo, alanganin sa mga hakbang nya pababa ng bundok dahil sa malaking ngiti ng kanyang tsinelas aside from the fact na mukhang sad din siya.
Di niya inakalang sumurender si Hurte sa Old Vulcan matapos kayanin ang tarik ng Mt. Apo.

Malungkot siya kaya eto ang kantang handog ko para sa kanya.

O kanyang tsinelas
Kasa-kasamang madalas
Ilang taon ang lumipas
Mahal ka niya!
O kanyang tsinelas
Pudpod man at gasgas
At napigtas tong luma niyang tsinelas
Kaya.. Mang Kulas, papa-rugby-han ko bukas ang kanyang tsinelas!


Eto sila, then and now.





At pagdating sa baba ng Old Vulcan. Nagpaalam si Goryo sa beloved niyang tsinelas.
Doon mismo sa araw na iyon, sa isang tindahan sa harap ng bulkan bumili sya ng tsinelas.
At sa isip ko, mag-uumpisa na ulit sya. Mag-uumpisang makipag-bonding sa bago niyang tsinelas.
Havana pangalan niya at hindi kahawig ng Havaianas.
At siguro ngumiti man sya o mapigtas, walang sasama ang loob at walang iiyak sa isa pang tsinelas.

No comments: