Saturday, July 28, 2007

Electric dreams

Last week pa siya nangungulit, tanong ng tanong kung kelan ako pupuntang Davao Light (our version of Meralco).

Eh sabi ko depende sa oras at kung hindi tamarin baka madadaanan ko rin.
Pababayaran ng Tita ko ang bill ng kuryente niya.

Years ago, nataranta din kami sa tawag sa telepono, nagmamadaling pabayaran ang electric bill niya.

Sabi ng kapatid ko iwan niya na lang muna sa isang tindahan yong bill tapos kami na kukuha at magbabayad.

Worried siya sa bill ha pero wala naman siyang TV sa bahay niya.
Electric fan at transistor radio lang.

Tapos lagi naman siyang nanood ng sine.
Suki na ata siya sa lahat ng cinema eh.
Sa gabi pag-uwi niya sa bahay, switch-on niya lang ilaw nang sandali sabay ayos ng tulugan niya tapos switch-off na rin agad.

At kahapon, after so many years, nagmamadali na naman syang pabayaran 'tong electric bill nya.




Akala ko notice of disconnection na.

Pakshet na yan P4.56 na naman bill niya.

Mahal pa pamasahe ng jeep ha! Kahit student fare or senior citizen fare pa.

Last time tumawag siya sa opisina, tarantang taranta at due date na raw, jusme P7.34 lang bill niya.

Last payment niya was June 18, 2006 and she paid an advance of P50.00.

Grrrrrr.

Noong huwebes, July 26, pinabayaran na naman niya ng advance P50.00 ulit, advance until 2008.

No comments: