Friday, July 20, 2007

Biyaheng Norte

Ating balikan ang nakaraan.

Mga pamamasyal na nagdaan.

Dati nakikita ko lang siya sa LakbayTV at sa show ni Susan Calo-Medina.

Simula noon, sinabi ko na sa sarili ko "mapapasyalan din kita."

At ako'y nag-ipon ng ilang taon marating lamang siya.

Taong 2001, kasama ng favorite travel buddy ko, with tight budget and time constraint binisita namin ang kanyang lokasyon.

Magmula noon kapag may planong mamasyal papuntang Norte, kasama na siya sa itinerary. Minsan din namin siyang binabalikbalikan kasama ng mga alaalang naka chiseled na sa mind.




Sa gabi, ito ang hitsura ng Cafe' Joe ng St. Joseph Inn kung saan kami kumain.






Eto naman ang Episcopal's churchbell. Kitang kita ito sa daan patungong St. Mary's Church.






Kids at play sa tabi ng cooperative store.







Bokong Falls or the small waterfalls. Nasa gitna ng hagdang palayan.






Sa loob ng Sumaging Cave, isa sa pinakasikat na caves ng Sagada at ang pinakamalaki sa lahat. Sabi ng guide namin na may bitbit na Petromax, yong mineral formations na nakikita nyo ay hawig at hugis ng hagdan-hagdang palayan ng Banaue


At 6.30 in the morning, eto ang Sagada, Mt. Province.





O sya, pag napadpad naman kayo up north, wag tumambay sa City of Pines, subukan niyo naman ang road less travelled papuntang Mountain Province.






No comments: