Friday, March 6, 2009

Ikakasal ka na

After having a nice manukan dinner, Toto, GG and I decided to have another coffee along Quirino Street. Sa aming suki.
So we walked along the road, kay asa pa man gyud diay.
This site caught our attention.





GG out of the blue asked me sa'ng gown daw gagamitin ko. Binalikan namin ang display.








I told her, I'm on tight budget. Tsk. Tsk. Tsk. I think I have to be content with Rene Salud.





Sige na nga, I'll choose. Rene Salud o ito?



Tuesday, February 17, 2009

Valentine's Day

Exactly one year ago, may surprise package na dumating para sa akin sa araw ng mga puso.

Kaso this year, hindi naulit.

Pag log-in ko sa guard house, walang JRS, FexEd, DHL o LBC package na nakalagay sa daily delivery counter.

So, pagpasok ko sa opisina hinanap ko ang remembrance ko noong nakaraang taon.

Kaso, ala rin si cupid.

In short, di ko matandaan kung sa’n ko naitago kaya kinarir ko to the max ko na lang ang career ko that day.

Kinalimutang VDay pala.

Pero later that evening napasama na rin kami sa mga dating couples sa mapulang araw na ito.

Ang culprit kasi eh botched dinner date with Ma’am Gigie and Kuya Toto supposedly on Valentine’s eve.

From Venue A BluGre which turned out to be a business meeting date, we went to Venue B, Fagioli with red red wine in tow.

Kaya dun pasta, tea, pancake including the latest and hottest showbiz chika for the three of us ang drama.

Kaso naputol ang latest chika namin kasi si Inang Grasya nasa old house with a coffee shop na, kailangan daw nya ng reinforcement.

Juiceko! May red wine din pala sila with supported with pizza and chicken and mojos and chocolates pa.

Tapos biglang napag-usapan multo sa mga lumang bahay, mga old disco spots, etc, etc.

Classic talaga tong bibig ni Peter eh, bigla ba namang sumagot, never ever daw nagkaroon ng multo sa kanila.

“Eh buringan area to eh, ang iingay kaya nila, nagtatakbuhan pa yang mga yan dito.”

At biglang napunta ang usapan kay Gwen. Si Gwen talaga, or should I say si Gwen na naman. We had a nice experience with Gwen, promise! Especially now, araw ng mga puso, it’s gonna be a great a perfect match with Gwen’s tequila sana.

Lahat pala kami napansin bakit andaming tao sa kalsada, parang lahat ata ng celebrate na.

Pero isa lang ang payo ni Peter kay Jose, wag daw syang mag-aasawa. Kasama na riyan yong ang di pagkakasunduan at iba pa.

Bigla kung naisip yong padala, yong dumating na padala last year ba.

At ang naaalala kong sinabi ko sa kanya, sana may bulaklak. Kung sa bisaya pa bulak ba.

Alam niyo ba anong dumating.

Eto ang delivery package na padala nya.



Naisip ko ulit ang dialogue ni Peter, ang di pagkakaintindihan ang madalas na dahilan para pag-isipan mong mabuti kung dapat ka nga bang mag-asawa.

Eh sa bulaklak pa lang din na kami magkaintindihan, kasi sabi ko nga sa kanya “bulak” hindi “bulad” diba.

.

Thursday, January 29, 2009

Takbo 2009

POWER RUN !!




February 15, 2009 (Sunday)
Manila Bay, Mall of Asia

Registration Fee: P300.00
Assembly Time : 5:30 A.M.
Race Start : 6:00 A.M.

* * *

Wednesday, January 21, 2009

Monday, December 8, 2008

Kwentong Puppy


Minsan may nakilala akong cute little puppies na laging kapit-kamay umulan o umaraw, umaga hanggang gabi.

Eto ay sina Gami and Daki.

From left to right, eto si Gami, ang 9mm, headset at ang hat






Sleepy ba si Gami?

O ginawa na syang pulutan?

Huhuhu.

Ganito ba dapat ang libingan ng mga asong bayani?

Kawawang Gami. Mukhang iniwan na nya si Daki.


Ibinaon na ata si Gami, hindi nga lang six feet below the ground.








Biglang hinanap ni Daki si Gami. Naglakad siya at naglibot sa pali-paligid.

At di napiligan ni Daki'ng umiyak ng umiyak nung nakita niya si Gami.









Iyak ng iyak ng iyak si Daki, naisip niya, sadyang iniwan na siya ng kaibigang si Gami.



Sa naghihinagpis na puso ni Daki, tuluyan na niyang di nakayanan ang kinahinatnan ni Gami.

Kaya bilang tunay na kaibigan, dinamayan ni Daki si Gami.


Hanggang sa huli...sila ay simbulo ng tunay na pagkakaibigan... walang iwanan ang slogan.













Wednesday, December 3, 2008

Batang bully

Isa ka adlaw sa isa ka tindahan duol sa isa ka housing adunay mga bata nga babae og mga lalaki nga nagtapok.

Naabtan sa isa ka mamalitay sa tindahan ang mga bata nga nag away.

Naminaw lang si Ate sa ilaha, kintahay naa pay gustong paliton sa tindahan.

Og sa dihang sa kadugayan ang isa ka bata nga babae wala nay undang nga gahilak atubangan sa batang lalaki, “Hu hu hu hu, isumbong gyud taka sa akong Mama bah. Isumbong taka.”

Tubag sa batang lalaki nga nagpahilak sa batang babae: “Isumbong! Hadlukon man ta sa imong Mama. Imong Mama? Imong Mama nga buktot! Kung musaka sa punuan sa lubi mura og bakukang. Unya pag mukanaog kung mu-ulan, imong Mama murag bao! Bao nga galutaw sa tubig kay buktot man. Ha ha ha ha! Isumbong!”

Si Ateh nga kintahay naa pay gipalit sa tindahan wala napugngan nga mukatawa og sabay na lang nga gibadlong ang batang lalaki.

“Pssst, undanga na ninyo. Panguli mo, panguli, wala moy gibuhat diri kundi mangaway og laing bata.”

Batang lalaki nitubag : “Nangaway! Nangaway daw. Tiguwang, tiguwang!”

Kung ikaw si Ate, unsa pa ba imong mabuhat sa batang lalaki?

How do we fight bullies?

Sama sa gibuhat ni Ate sa tindahan, ato na lang kining ikatawa aron mahuwasan ta.

Pero sa bata nga babae nga niuli sa ilang balay nga gahilak, unsa pa ba atong mabuhat?

One day, we have to fight those bullies in our lives.



Monday, November 10, 2008

Homeowner President


Matagal tagal na rin akong di nakabalik sa dating rota ng pagsakay sa public utility vehicle.
Limang buwan din akong nagmaneho ng pribadong sasakyan hanggang sa dumating ang panahong kailangan na syang ibalik sa tunay na nag mamay-ari.

Isang gabi matapos akong mag grocery, hinabol ko ang last trip ng jeep papuntang subdibisyon namin.
Papasok pa lang nakita ko na si presidente ng association namin.

Sabi ko sa sarili ko para megaphone na naman ang boses nito.

True enough pag-upo ko may kausap nga sya. Yong taong nasa harapan nya.
Isang homeowner din, tapos ang pinag-uusapan nila itong Balikatan housing issue.

Ewan ko ba bakit natiis nong babaeng pakinggan ang kayabangan nya.

Gusto ko nang bumaba eh, yong tipong puno na nang hangin ang tono ng boses nya at usapan nila.

Kaso naisip ko, last trip na to eh pag bumaba ako, taxi na ang ending ko.

Bigla sinabi ni homeowner president, ng fax daw si speaker of the house sa kanya. At kagagaling lang daw nya sa city council, at ng overtime sila para sa mga susunod na aksyon, at bukas lalabas sa lahat ng pahayagan ang kadramahan nila.

Ang galeng galeng nya talaga.

Wala akong planong makinig pa sa usapan nila, pero di ko napigilang isulat sa cellphone ko ang tanong nya sa babaeng homeowner.

Tanong nya sa babae "kanino ba yong bahay, under the name of you or under your husband?"

Genius syang talaga.

Ay naku, naniniwala talaga akong produkto ng Promil na gatas si homeowner president.

.